Fr. 45.50

Mundo ng Bangungot

Phillipinisch · Fester Einband

Versand in der Regel in 2 bis 3 Wochen (Titel wird auf Bestellung gedruckt)

Beschreibung

Mehr lesen










"BABALA:

Hindi pangkaraniwan ang mga kuwentong mababasa mo rito. Kung hindi ka handang makaranas ng malagim na bangungot, ngayon pa lang ay huwag mo nang ituloy ang pagbabasa.

Marami na ang sumubok at naglakas-loob. Marami rin ang hindi nakaligtas. Ang iba, nahirapan nang makatulog sa gabi. Ang iba, natakot nang mag-isa kahit saang lugar magpunta. Ang iba, bumaligtad ang sikmura at hindi nakakain ng ilang araw. Ngunit ang iba, tuluyang nagdilim ang isip at nawala sa sariling katinuan.

Kung ayaw mong mangyari sa iyo ang ilan sa mga ito, binabalaan na kita ngayon pa lang... hindi basta-basta ang mga istoryang maiingkuwentro mo rito.

Bawal sa mga mahihina ang loob. Bawal sa mga may sakit sa puso. Bawal sa mga relihiyoso. Bawal basahin sa gabi. Higit sa lahat, bawal basahin kung hindi malawak ang pag-iisip.

Nasa iyo ang huling pasya. Huwag mo sabihing hindi kita binalaan.

Kung nabasa mo na ang babala at gusto mo pa ring magpatuloy, ihanda ang iyong sarili sa bawat istoryang mababasa mo rito.

Dadalhin ka ng librong ito sa mundong kahit sa isang kisapmata ay hindi mo nanaising makita.

Hindi ito ang pangkaraniwang mga kuwentong katatakutan na madalas nating makita sa paligid at sa mundo ng literatura. Magbabago ang tingin mo sa Horror kapag nasaksihan mo ang malalagim na kaganapan sa librong ito.

Narito ang mga kuwentong hindi magpapatulog sa gabi. Mga istoryang sisindak sa iyong pagkatao. Mga obrang mapanlinlang ng imahinasyon at magbibigay ng masasamang panaginip.

Handa ka na bang makita ang mundo ng bangungot?"

Produktdetails

Autoren Draven Black
Verlag Ukiyoto Publishing
 
Sprache Phillipinisch
Produktform Fester Einband
Erschienen 26.01.2022
 
EAN 9789354909122
ISBN 978-93-5490-912-2
Seiten 156
Abmessung 157 mm x 235 mm x 13 mm
Gewicht 389 g
Thema Belletristik > Erzählende Literatur

Kundenrezensionen

Zu diesem Artikel wurden noch keine Rezensionen verfasst. Schreibe die erste Bewertung und sei anderen Benutzern bei der Kaufentscheidung behilflich.

Schreibe eine Rezension

Top oder Flop? Schreibe deine eigene Rezension.

Für Mitteilungen an CeDe.ch kannst du das Kontaktformular benutzen.

Die mit * markierten Eingabefelder müssen zwingend ausgefüllt werden.

Mit dem Absenden dieses Formulars erklärst du dich mit unseren Datenschutzbestimmungen einverstanden.